"Ano nga ba ang mapapala ng mga mamamayang Pilipino sa pagkakaroon ng isang Clean Election?&quo
- Royce Arcigal
- Oct 19, 2015
- 2 min read

Ang boto ay sumisimbulo sa kalayaan, kakayanan, at kalakasan ng bawat isa sa atin. Ang ating mga boto ay siyang boses natin para sumigaw ng kalayaan at kaunlaran para sa ating bansa.
Ano na nga lang ba ang mangyayari kung ibebenta o ibabayad natin ang ating mga boto sa mga taong nagbibigay lang naman ng pera o pagkain habang sila ay kumakandidato?
Maliban sa kanilang pagkapanalo maaring eto pa ang rason kung bakit papailalim na naman sa lupa ang ating bansa.
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng Clean Election maliban sa botohan na walang nangyayaring dayaan? Ang sabi naman ng iba ay ito raw ang pagiging disiplinado ng mga botante.
Ibig sabihin ay walang clean elections kung hindi natin kayang disiplinahin ang ating sarili. Eh ano ba namang mapapala ng bawat Pilipino kung magkakaron ng clean elections?
Madami, sobrang dami. Kung clean election ang ibig sabihin ng hindi pagpapaloko sa mga sakim at kurakot na kumakandidato eh aba! Malaki ang iuunlad ng ating bansa dahil dito.
Ilan na ba ang nakapagisip na tayo ang dahilan kung bakit ganito ang Pilipinas? Hindi naman sila makakaupo at magkakaroon ng sapat na kapangyarihan kung hindi dahil sa supporta at boto natin diba? Kaya oo ganito ang Pilipinas dahil sa’atin. Ang eleksyon ay ang ating kapangyarihan at boses bilang isang mamamayan ng bansa ito.
Kaya hindi natin ito pwedeng ipagbigay nalang sa kung sino-sinong kumakandidato sa ating bansa. Huwag na tayong masilaw sa mga materyal na bagay na ibinibigay sa atin ng mga gustong umupo sa pwestong napakataas.
Ipagpapalit mo na lang ba sa isang libo ang boto mo na makakaapekto sa bansa sa anim na taon? Huwag na tayong papaloko sa mga matatamis na salita ng mga kandidato, hindi pa ba tayo nadala noong eleksyon 2010?
Masyado tayong nadala sa kanilang mga kataga na pawing kasinungalingan lamang. Ang iba ay binoto natin dahil sa kanilang kilalang pangalan, o hindi naman kaya ay sikat. Kung tatanunging muli ang mapapala natin sa Clean Election at pagboto ng wasto ay ang kapayapaan at ang kagustuhan ng mga namayapang.
People Power. Tayo ang kapangyarihan, nasa atin ang kapangyarihan. Tayo, ang tunay na nagpapatakbo ng ating bansa.
Kung gagamitin lang ba natin ang sa tama ang ating kapangyarihan at hindi magpapaloko sa mga tusong kandidato paniguradong mabilis na ang pag unald ng bayan ni Juan.
Huwag na tayo papaloko isipin natin ang bayan at huwag lang ang ating mga sarili, para na din ito sa susunod pang mga henerasyon. Ating suportahan ang Clean Election.
Comentários